Sa panahon ngayon, patuloy ang pagdami ng pangangailangan nating mga mamamayan. Simula sa mga pangunahing pangangailangan nating mga Pilipino, higit na dumadami ang mga dapat nating pagkagastusan upang masustentuhan ang ating pangaraw-araw. Sa ating pag-iipon ng pera, pagbabadyet, paggastos, transportasyon, at iba pa, ay halos lahat ay kinakailangang paggamitan ng pera.
Ayon sa iba’t-ibang sanggunian, kapansin-pansin na nababatid nila na hindi sapat ang kakayahan pang pinansyal ng mga Pilipino. Marami ang nanloloko sapagkat alam nilang karamihan sa mga Pilipino ay hindi sapat ang kaalaman patungkol sa pamamahala ng pera. Marami ang nagnanais na magbibigay lang sila ng halaga ng pera at babalik lang ito ng mas malaki. Marami ang naghihirap sapagkat hindi nila alam kung paano pamamahalaan ang kanilang kayamanan. Isang halimbawa na rito ay ang iskam sa pagpamumuhunan ng pera para sa bitcoin. Dahil dito, nakakuha ng P1-billion ang mga may-ari ng bitcoin investment na sina Arnel at Leonady Ordonio. Ngunit noong Abril 4, inaresto ang mga ito ng Philippine National Police (PNP).
Nagbibigay diin si Senator Juan Edgardo (Sonny) Angara sa kakulangan ng kaalaman ng mga tao sa pinansyal na literacy. Nabanggit rin niya na matutuloy ang isyu na ito kapag hindi parin literato ang mga Pilipino.
“Opportunities abound on account of these developments but many Filipinos do not even have a basic grasp of economic and financial concepts”.